Rendon nagdeklara ng gera vs. Pinoy artists

KASABAY ng pagpe-flex ng motivational speaker/entrepreneur na si Rendon Labador ng kanyang muscles ay ang pagdedeklara nito ng ‘gera’ sa buong Philippine show biz industry.

Sa kanyang Instagram page, ilang beses na muling tinawag ni Rendon na laos ang mga artista.

Wala rin ito takot na hinamon ang mga show biz denizens na kahit magkampihan ang mga ito ay hindi niya uurungan.

Bago ito ay kinuyog ng ilang stars si Rendon makaraan niyang sabihan ang mga ito na, “Masakit na katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW. INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content. Manahimik nalang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM.”