MULA P1.10 hanggang P1.55 ang presyong itataas ng mga produktong petrolyo sa Martes, Abril 9.
Ayon sa abiso ng mga oil companies, magtataas ng P1.10 kada litro sa presyo ng gasolina habang P1.55 naman sa diesel at P1.40 naman sa kerosene.
Una nang nag-abiso ang mga kumpanyang Cleanfuel, Seaoil at Shell.
Inaasahan na magsisisunod naman ang iba pang mga oil companies.
Noong isang linggo, mixed adjustment naman ang ipinatupad.
Ayon sa Department of Energy (DOE), umabot na sa P8.20 ang itinaas ng presyo ng gasolina kada litro simula noong Enero habang P4.50 naman sa diesel.