Isabela inuga ng magnitude 4.7 na lindol

INUGA ng magnitude 4.7 na lindol ang Isabela alas-2:43 ng hapon ngayong Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang sentro ng lindol 17 kilometro (kms) timog ng Dinapugue, Isabela.

Idinagdag ng Phivolcs na may lalim na 18 kms ang lindol at tectonic in origin. Naitala ang instrumental intensity 3 sa Casiguran, Aurora; instrumental intensity 2 sa Maddela, Quirino; at Santiago City, Isabela and instrumental intensity 1 sa Baler, Aurora. Wala namang inasahang pinsala o aftershock dulot ng lindol.