Lyricist, composer nagsalita na: Moira pa-victim, Jason took all the blame

HINDI na napigilan ng lyricist at composer na si Lolito Go na naging kasamahan ng estranged couple na sina Jason Hernandez at Moira Dela Torre, at naglitanya ito sa kanyang Facebook page.

Sa mahabang post sa FB ngayong Linggo, inisa-isa ni Go ang mga diumano’y sablay ni Moira at sinabi na ito ay ” more of an oppressor than a victim.” 

“I have been itching to write about this a few months ago pa. Hindi ko na kasi ma-take ang pambabash ng publiko kay Jason. But Jason stopped me because he still wanted to protect Moira,” chika ni Lolito.

Iginiit din nito na pawang lang si Jason ang naba-bash sa social media habang ang ginagawa naman ni Moira ang humingi ng simpatya sa publiko.

“Jason took all the blame, took all the bashing in the name of love” sabi pa ni Lolito.

“Yes, nagkasala sya. Pero walang third party on Jason’s side. He never fell in love with anyone else. His only sin was he listened to the call of flesh and availed of illicit massage service because Moira couldn’t fulfill his sexual needs.” 

Giit pa nito, meron na umanong “someone” si Moira bago pa umamin si Jason at tuluyan silang naghiwalay.

“Even before Jason confessed to his sin, Moira already wanted out. Dahil nakahanap na rin sya ng pamalit,” pahayag pa ng composer, kasabay ang sabi na “someone who will ‘dance in the rain’ with her and call her ‘binibini.’”

Bukod dito, naghayag din siya ng sama ng loob sa singer-composer dahil sa ilang pinagsamahan nilang kanta gaya ng “Titibo-tibo” na nanalo sa grand finals ng Himig Handog noon 2017, ay hindi man lang siya nabayaran at muntik din hindi maisama sa credits.

“Kung hindi ko pa pinuna, hindi nya pa ire-rectify,” saad pa ni Lolito.