KABILANG ka rin ba sa mga sinasabing kalahati ng mga Pinoy na sinerbey ng Social Weather Station ang “very happy ang love life”?
Sa isinagawang survey ng SWS, kalahati sa 1,200 na tinanong ng SWS ang nagsabing “very happy” ang kanilang mga buhay-pag-ibig habang ang iba naman ay naniniwala na “they could be happier” at ang ilan ang nagsabi na wala silang love life.
Ginawa ang survey na may tanong na “describe your love life” at pinapili sa mga sagot na “very happy”, “could be happier” at “no love life” nitong Disyembre at inilabas ang resulta ilang araw bago ang Valentine’s Day.
Sa tala, 58 percent ang nagsabi na very happy sila sa kanilang love life, habang 23 percent naman ang nagsabi na “could be happier” and 19 percent ang “no love life”.
Sinabi rin ng SWS na tumaas ang bilang ng mga Pinoy na walang love life sa 19 percent mula sa 10 percent na naitala nong 2002It also noted a steady increase in the number of Filipinos with “no love life” from 10 percent in 2002 to 19 percent in 2023.
Ayon pa sa survey, higit na mas maraming married couple at mga nasa live-in setup ang nagsabi na “very happy” sila sa kanilang love life.