SINABI ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Dr. Sevillo David na aabot sa halos 11 milyong pamilyang Pinoy ang wala pa ring access sa malinis na tubig.
Marami pa ring mga Pilipino ang umaasa hanggang ngayon sa deep well, spring o mga bukal na hindi dumadaan sa treatment para maging mas ligtas bago pa inumin o gamitin.
“Sa ngayon halos mga 11 million pamilya pa ang wala pang access sa malinis na tubig. Halos mga unsafe ang mga tubig na kinukuhanan ng 11 milyong Pilipino na pamilya po. Ito po ay galing sa mga deep well, mga spring, mga bukal na hindi protected iyong mga iyan, at mga ilog at mga lawa po, kasama na rin po iyong mga tubig-ulan,” sabi ni David.
Ngayong Marso 22, ipagdiriwang ang World Water Day.
Samantala, sinabi ni David na dapat ding paghandaan ang nagbabadyang El Niño sa bansa. “Kailangan nating paghandaan ito at baka ito ay makaapekto sa mga water supply natin partikular sa mga sakahan natin,” aniya.