HUMINGI ng paumanhin ang isang guro mula sa University of Southern Mindanao (USM) sa Cotabato makaraan niyang ipangalan sa kanya at ilathala ang thesis ng kanyang estudyante.
Ipinost ng Department of English Language and Literature ng USM ang public apology ni
Riceli Mendoza sa kanyang estudyante na si Jemima Atok, na nagtapos ng kursong AB English sa nasabing unibersidad.
“I am truly sorry that I failed to recognize you as the author and the owner of the published paper/article. Instead, I claimed it as my own. I honestly acknowledge my fault and rest assured that this may never happen again in the history of academic endeavor,” ani Mendoza.
Ipinahiwatig ni Mendoza sa public apology na dati siyang miyembro ng faculty ng
Department of English Language and Literature ng USMA, pahiwatig na puwersahan siyang nagbitiw bunsod ng plagiarism case.
Napag-alaman na nagtapos ng doctorate sa applied linguistics si Mendoza sa De La Salle University.