BAGSAK sa kulungan ang Grade 11 student na nagpanggap na abogado at nag-alok ng trabaho sa mga out-of-school youth sa Buhi, Camarines Sur.
Nasakote ang suspek sa Brgy. Sagrada nang tanggapin nito ang P500 marked money mula sa isa sa mga pinangakuan niya ng trabaho.
Napag-alaman ng nagpapakilalang abogado at empleyado ng SSS ang suspek at sinabing kaya niyang iproseso nang mabilis ang Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card ng mga kabataan kapalit ng pera.
Inalok din umano niya ng trabaho ang mga ito bilang encoder sa SSS.
Ayon sa pulisya, umabot sa 18 ang napaniwala at nahingian ng pera ng suspek, kabilang ang ilang senior citizen na gustong mag-apply ng ATM card para sa SSS at GSIS pension.
Nahaharap sa reklamong illegal recruitment at swindling ang suspek.