NAGBABALA ang isang eksperto sa pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa harap ng banta ng Omicron subvariant BA.2.12.1.
Sinabi ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante na posibleng sumipa ang mga kaso ng Covid-19 sa susunod na linggo.
“Ang expectations natin dito ay tataas ang kaso, especially in those areas na mababa ang vaccination rate at importante dito na alam natin na itong variant or sublineage na ito ay napakataas ang transmissibility,” sabi ni Solante.
Nauna nang kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang lokal na transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1.
“So vulnerable ang population natin especially for those na wala talagang bakuna kumpara doon sa may mga bakuna especially for those [who have] booster,” dagdag ni Solante.
Nakapagtala na ng 17 kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1.