INIHAYAG ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na magbibigay ng tulong pinansiyal para sa mga mahihirap na estudyante na ilulunsad simula ngayong Sabado, Agosto 20.
“This program is aimed to help our indigent students all over the country, which means to say that children coming from poor families will be given cash assistance to buy their school supplies or whatever that they need in school such as school supplies, school fees, uniform, shoes, etc.” sabi ni Tulfo.
Idinagdag ni Tulfo na isasagawa ang programa sa ilalim ng Assistance for Individuals in Crisis Situation ng DSWD.
“Ngayon, sino po ba ang pupwede? Lahat po ng mga bata na anak ng mahihirap, hindi lamang po solo parent, halos lahat na ho kasi eh – solo parent, magulang ay PWD, magulang ay may mga sakit, mga ulila na mga bata, mga batang anak ng tricycle driver, labandera, katulong, magtataho, jeepney driver – puwede po kayong pumunta,” sabi ni Tulfo.
Aniya, tatanggap ng P1,000 ang mga mag-aaral sa elementary, P2,000 para sa high school;,P3,000 para sa senior high school; at P4,000 para sa college or vocational course.
“Kasi marami ho ang nagtatanong: How many children? Ako ay may walong anak, limang anak; tatlo pong bata per family. So kung may dalawang kolehiyo kayong nag-aaral – isang first year, isang fourth year – tig-P4,000 po iyon, so P8,000 po iyon. Mayroon kang isang anak na senior high so P3,000 po iyon. So P8,000 plus P3,000 – P11,000 ho iyon,” ayon pa kay Tulfo.