MARIING itinanggi ng Department of Health ang mga balita na ibabalik sa Metro Manila ang mandatory na paggamit ng face mask matapos umakyat muli ang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease.
Fake di umano ang viral social media post na nagsasabing balik na naman sa mandatory use ng face mask sa National Capital Region.
Iginiit din ng DOH na nananatili sa ngayon ang NCR sa ilalim ng Alert Level 1 na tatagal hanggang Abril 30.
Ang Alert Level 1 ang pinakamababang ipinatutupad na Covid-19 restrictions, na ang ibig sabihin ay mananatiling nasa “status quo.”
“The Department clarifies that the current Alert Level System is still being discussed through the IATF, and the DOH has previously recommended that these alert levels be similar to typhoon warnings and a guidance system in the future,” sabi ng DOH sa kalatas.
Sa naunang inilabas na resolution ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), 26 lugar ang inilagay sa Alert Level 2.
Matatandaan na umakyat sa 32 percent ang daily average of coronavirus infections.