TRENDING ang paglabas ng streetfood sensation na si Diwata sa “FPJ’s Batang Quiapo” nitong Biyernes ng gabi.
Bilang Frida, na may-ari ng isang paresan, bumida si Diwata sa eksena na kasama sina Coco Martin at Ivana Alawi.
Positibo naman ang naging pagtanggap ng mga viewers sa pares vendor sa Pasay.
“Si Diwata nasa Batang Quiapo!!! Nakaka-happy naman si bakla.”
“Sosyal ni Diwata Pares at may cameo sa Batang Quiapo!”
“Paldo si diwata nasa batang quiapo pa.”
“At may isang diwata na ngang lumipad sa Batang Quiapo!”
“Nakakatuwa makita si Diwata sa success nya ngayon, tas nasa Batang Quiapo na rin sya Mother! eyy.”
“Grabe ka na talaga Diwata inggit nanaman mga haters mo.”