Demanda ang Katapat: BFP Nagbabala sa Prank Callers

MAARING ma-demanda ang sinumang mag prank call sa Emergency Hotlines.

Ito ay ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sa ilalim ng R.A. No. 9514 o ang Revised Fire Code of the Philippines of 2008. |

Nag-viral nitong linggo ang balita na pagresponde ng San Juan Fire Bureau sa isang tawag na nagreport ng sunog sa F. Manalo sa San Juan City.

May kasong Unjust Vexation sa ilalim ng Revised Penal Code na may penalty na Aresto Menor at piyansa mula P1,000 hanggang P40,000 para sa mapapatunayang may sala.

Patuloy na pinag-iingat ng BFP ang lahat sa pangamba ng sunog, dala na din ng patuloy na pag-init ng panahon.