PINAG-IISIPAN ng aktres na si Dawn Zulueta Lagdameo kung kakasuhan ang mga gumagamit ng kanyang mukha at pangalan sa mga pekeng product endorsements.
Nitong Linggo ay inireklamo ni Dawn, asawa ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr., ang mga pekeng endorsement at inedit na larawan niya para sa isang produkto.
“I want to make it abundantly clear to all my followers and the public, that unless explicitly shared on my official accounts, any content bearing my name or likeness is unequivocally fake,” ani Dawn sa Instagram post.
“I want to emphasize that further propagation of these falsities will not be tolerated. Legal actions will be pursued against those involved in the creation, distribution, or perpetuation of these deceitful materials,” dagdag niya.
Ayon sa aktres, maliban sa nakasisira ito sa kanyang reputasyon, panloloko ito sa kanyang mga tagasuporta.