Covid mas mapanganib sa buntis

PINAYUHAN ng isang eksperto ang mga buntis na tumigil sa paglabas-labas ng bahay para makaiwas sa mga komplikasyon sakaling tamaan ng Covid-19.


Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Dr. Sybil Lizanne Bravo, OB-Gyne at clinical associate ng University of the Philippines (UP) College of Medicine, na batay sa mga pag-aaral, posibleng tamaan ng severe na kaso ng Covid-19 ang mga buntis.


“Mas marami pong complications kumpara doon sa mga hindi buntis. Kaya kailangan po talaga mag-ingat tayo, kung hindi po kailangang umalis ng bahay, huwag pong aalis ng bahay at palagi pong mag-practice ng, of course, hygienic measures,” sabi ni Bravo.


Idinagdag niya na bagaman tatlong porsiyento lamang ang tyansa na maipasa ng ina sa kanyang sanggol sa tiyan ang virus, mataas ang posibilidad na manganak ito nang mas maaga.


“May chance din po na baka mas maliit ang sanggol kumpara doon sa mga ina na hindi nagkaroon ng Covid,” paliwanag pa ni Bravo.