Co-host ni Willie Revillame natagpuang patay

ISANG malamig na bangkay na nang matagpuan ang stand-up comedian na si Le Chazz sa kanyang bahay sa Kamuning, Quezon City Sabado ng hapon.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang ikinamatay ng biktima, Richard Yuzon sa totoong buhay, 43.

Naging co-host si Le Chazz ni Willie Revillame sa Wowowin mula 2018 hanggang 2019. Bago iyon ay napanood din siya sa mga gag shows ng ABS-CBN na Banana Split: Extra Scoop at Banana Nite.

Huling TV appearance ni Le Chazz ay noong Pebrero sa Tutok To Win ng Wowowin.

Ayon sa ulat, dinala ang labi ng stand-up comedian sa Mary Immaculate Funeral Homes. –A. Mae Rodriguez