James Yap: Di bading si Bimby

TINAPOS na ni PBA player James Yap ang usap-usapang bading ang kanyang anak na si Bimby.


Chika ni James, kasama niya ang anak hanggang mag-pitong-taong-gulang ito at sigurado siyang lalaking-lalaki si Bimby.


“I was with Bimby till he turned 7, that’s why I know he’s a real boy. Because even when a kid is still young, it’s already obvious if he’s gay.”


Ayon pa kay James, naiintindihan niya ang naging reaksyon ng ina ni Bimby na si Kris Aquino sa mga haka-haka ukol sa gender ng anak.


“Naintindihan ko si Kris. Siyempre, sa iya nagdako si Bimby kaya nag-react guid siya sa isyu,” pahayag pa ng basketbolista.


Matatandaang naging usap-usapan online na bading si Bimby dahil sa malambot na galaw nito sa isang video na kumalat kasama si Kris.