MAY pa-Valentines gift sa mga contractual workers sa service industry ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa DOLE, dapat ay kasama na ang mga ito na tatanggap ng service charge na kinokolekta ng mga establisimyento na nag-hire sa kanila.
Hindi lang yun, dapat equal share ang makukuha nila gaya ng nakukuha ng mga regular na empleyado, ayon pa sa DOLE na nakapaloob sa Department Order No. 242, series of 2024 na pirmado ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.
“Covered employees refer to all employees, except managerial employees as defined herein, regardless of their position, designation, or employment status, and irrespective of the method by which their wages are paid,” ayon sa order na inilabas niton Biyernes.
“Regular or nonregular employees are entitled to collected service charges,” dagdag pa nito.
Ang service charge ay ang 10 percent na idinadagdag sa work o serbisyo na ibinibgay ng establisimyento sa kanilang mga kostumer. Bagamat walang batas na nagsasabi ng minimum o maximum na service charge ang dapat ipataw, kadalasan ay 10 percent ang ipinapatong sa bill.