INALIS na ng Makati ang closure order laban sa Smart Communications matapos umanong mabigong magbayad ng P3.2 bilyong buwis.
Ayon sa Smart, nagkasundo ito at ang lokal na pamahalaan ng Makati kaugnay kung paano mababayaran ang isyu sa lokal na buwis matapos magpulong nitong Huwebes (Marso 2).
“The settlement was reached after Smart submitted to the Makati LGU its accounting records corresponding to revenues generated within the territorial jurisdiction of Makati for the relevant periods,” sabi ng PLDT sa isang disclosure stock exchange.
Nauna nang ikinandado ng Makati LGU ang main office ng Smart dahil umano sa kawalan ng permit sa operasyon nito.