KUNG si dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson ang tatanungin, mas gusto niya na tunay na babae at mga dalaga lang ang papayagang sumali sa Miss Universe.
Sambit ni Chavit sa isang interview: “Kaya nga ‘Miss’ ang nakalagay sa Miss Universe beauty contest, tapos hahaluan ng iba.”
Nilinaw naman ng politiko na hindi siya tutol sa mga transwomen at sa mga may asawa na sumali sa mga pageants pero dapat hiwalay ang timpalak nila sa Miss Universe.
Matatandaan na isiniwalat ni Chavit, isa sa mga major sponsors ng Miss Universe 2016, na inalok sa kanya ang Philippine franchise ng nasabing beauty tilt pero tinanggihan niya.
“Hindi ko binili kasi masyadong matrabaho. Sabi ko, tutulong na lang ako,” pahayag niya.