MALAKI umano ang tsansa ni Cardinal Luis Antonio Tagle na siyang maging susunod na pope, ayon sa report ng Catholic Herald.
Isa si Tagle sa dalawang pinakamalakas umanong contender sa posisyon bilang pope, ang isa ay si Hungarian Cardinal Peter Erdo, arsobispo ng Esztergom-Budapest.
Isinulat ng Catholic Herald ang report sa gitna ng mga espekulasyon na malapit nang magretiro si Pope Francis na ngayon ay nahihirapan sa kanyang paglalakad.
Isa rin sa tinitingnan na maaaring pumalit kay Pope Francis ay ang Italian Cardinal na si Pietro Parolin na siyang kasalukuyang Vatican secretary of state.
Isa si Tagle na itinalaga ni Pope Francis na bumuo ng 22-member ng Vatican City’s Congregation for Divine Worship and Discipline Sacraments.
Nauna na siyang itinalaga noong 2019 bilang prefect ng Vatican’s Congregation for the Evangelization of Peoples.