Cagayan inuga ng 5.7 magnitude na lindol

NIYANIG ng magnitude 5.7 na lindol ang Cagayan kaninang alas-07:32 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naramdaman ang lindol, na may lalim na 43 kilometro (km), 20 km hilaga ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan.

Naitala ang Instrumental Intensity 3 sa Pasuquin, Ilocos Norte; San Antonio, Zambales; Instrumental Intensity 2 sa Laoag City, Ilocos Norte; Narvacan, Ilocos Sur; Ilagan, Isabela.

Instrumental Intensity 1 sa Penablanca at Gonzaga, Cagayan; Batac, ILocos NOrte; Sinait, Ilocos Sur; at Santol, La Union. Sinabi ng Phivolcs na wala namang inaasahang mga pinsala bagamat posibleng maranasan ang mga aftershocks.