BUMAGAL man ay napanatili ng Bagyong Bising ang kanyang lakas habang kumikilos sa Philippine Sea sa silangang bahagi ng Sorsogon, ayon sa weather bureau.
Base sa 11 a.m. bulletin ng Pagasa, namataan alas-10 ng umaga ang mata ng bagyo sa layong 375 kilometro silangan ng Juban, Sorsogon o 345 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 215 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 265 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa Catanduanes, Northern Samar, Eastern Samar at Samar.
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman sa mga sumusunod na lugar:
Luzon
Eastern portion ng Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud), Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands
Visayas
Biliran, Leyte, Southern Leyte, at northern portion ng Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
Mindanao
Dinagat Islands, Siargao Islands at Bucas Grande Islands
Bukas ng umaga ay inaasahang nasa layong 565 kilometro silangan ng Infanta, Quezon si “Bising”.
Inaasahan naman na nasa layong 560 kilometro silangan ng Baler, Aurora ang bagyo sa Martes ng umaga.