Binyag, kumpil, pa-misa libre na

free binyag

HINDI na maniningil ang mga simbahan sa ilang siyudad sa Metro Manila ng bayad para sa mga serbisyo nito gaya ng binyag, kumpil, at pa-misa, pero hinimok naman ang mga mananampalataya na magbigay ng donasyon.


“There will no longer be any fixed rates for the celebration of the sacraments of baptism and confirmation and for the offering of Mass intentions in the churches in the Archdiocese of Manila,” ani Bishop Broderick Pabillo sa kalatas.


Sakop ng Archdiocese of Manila ang mga simbahan sa Maynila, Pasay, Makati, Mandaluyong at San Juan.
Magkakabisa ang direktiba sa Abril 14.


“Let this be one of the legacies of our quincentennial celebration of the arrival of the Christian faith in our country,” sabi ni Bishop Pabillo.


Matatandaan na noon pang 2017 pinabubuwag ng mga obispo ang arancel system o ang praktis nang pagbibigay ng donasyon sa mga pari para sa isang ispesipikong serbisyo ng Simbahan.