MULING umakyat ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nitong buwan ng Enero, ayon sa huling datos na inilabas ng Philippine Statistics Office.
Sa tala, umakyat sa 4.8 percent ang jobless nitong Enero, mas mataas sa nairekord noong December 2022 na 4.3 percent.
Nangangahulugan, na meron 2.37 milyong Pinoy ang walang trabaho noong nasabing buwan. At ito ang pinakamataas na tala simula noong Setyember 2022 na nasa 5 percent.
Ayon pa sa PSA, meron 49.72 milyong Pinoy ang may trabaho noong Enero.
Sabi pa ng PSA, umabot naman sa 6.65 milyon Pinoy ang underemployed o employed ngunit kailangan pang maghanap ng iba pang trabaho.