‘Betty’ nagbabanta sa Pinas sa 3 ‘crucial’ days

MATINDI ang bababala ng state weather bureau sa posibleng pananalasa ng Super typhoon Betty (international name: Mawar) sa mga susunod na araw.

Magdadala ng malakas na hangin at matinding pag-ulan si “Betty” sa northern Luzon at patitindihin pa nito ang habagat na namataan sa ilang bahagi ng bansa.

Posible anyang mangyari ito sa three “crucial” days sa susunod linggo ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Pumasok na si “Betty” sa Philippine Area of Responsibility alas-2 ng madaling araw ngayong Sabado. Naispatan ito 1,320 kilometers silangang bahagi ng Central Luzon na may taglay na hangin na may bilis na 195 kilometers per hour at pagbugso na 240 kph.
 
“Pagsapit ng Lunes hanggang Miyerkoles ito ‘yung pinaka-crucial na part dahil kung mapapansin nila pinakamalapit ito sa ating kalupaan, particularly dito sa Batanes and Babuyan Islands, around 250-300 kilometers away na lamang mula doon sa kaniyang mata,” ayon sa weather specialist ng PAGASA na si Benison Estareja.

“Posibleng mahagip ng malalakas na hangin at malakas na ulan itong malaking bahagi ng Cagayan Valley, northern portion of Aurora, ito ring northern and eastern portions of Cordillera Region at ang Ilocos Norte, even Ilocos Sur,” dagdag pa nito.