DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease at banta ng Omicron variant, nagpasya ang city government ng Baguio na isara muli ang lungsod sa mga turista.
Pansamantalang itinigil ngayong Linggo, Enero 2, ng Visitor Information and Travel Assistance (Visita) platform ng Baguio City government ang pagpoproseso ng mga aplikasyon para makapasok ng Baguio City.
Ito ay bunsod ng ipinatawag na meeting ni Mayor Benjamin Magalong, ayon kay Aloysius Mapalo, tourism operations supervisor ng Baguio City.
Ayon sa tala, umabot sa mahigit 190,000 turista ang nagtungo ng Baguio City simula Disyembre 26. Matatandaan na binuksan ng lungsod ang mga borders nito sa mga turista nitong Nobyembre, kasabay ang paggunita ng All Saints’ Day.