4,600 bagong kaso ng COVID-19 naitala

PUMALO sa 4,600 ang bagong kaso ng coronavirus disease ngayong araw, Enero 2, 2022. Ito ang pinakamataas na bilang simula noong Oktubre 24, 2021, ayon sa Department of Health.

Dahil dito, umakyat na ang bilang ng active cases sa 21,418 gaya nang naitala noong Nobyembre bago pa unti-unting bumaba ang bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Ang Metro Manila o National Capital Region ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na may kabuuang 3,279 na sinundan ng Region 4-A na 676 at Region 3 na may 252 kaso.