PULUTAN ngayon ng mga netizens sa Twitter ang aktor at Quezon City Rep. Arjo Atayde makaraan sabihin nitong handa siyang ipagamit ang kanyang mga sasakyan sa mga residente ng kanyang distrito sa lungsod na maaapektuhan ng tigil-pasada simula sa Lunes.
Aabot sa 37 ang sasakyan na handang ipagamit ni Arjo sa mga mai-stranded sa nakaambang isang linggong-transport strike.
“In my own little way, I am willing to help my district and nearby areas here in QC by providing our own vehicles to help the commuters, especially our medical frontliners,” ani Arjo.
Nawindang naman ang ilang netizens nang malaman na mayroong ganoong karaming sasakyan ang aktor-politiko.
“Bakit ka may 37 vehicles hahahahaha weird flex,” ani @imantoinemorla.
“Now, he is counting on everyone’s cooperation and urged his constituents to ‘become part of the solution and not the problem.’ Who’s gonna tell Arjo that having 37 vehicles IS part of the problem? And these are the kind of people we entrust to make laws for commuters,” hirit ni @MW4LYF.
“Daig pa may uv express franchise,” sey ni @ITSYABOISATANAS.
“Yayamanin o yayabangan?” tanong ni @danricci_.
“Eat the rich but also specifically arjo atayde, owner of 37 personal-use vehicles,” sabi ni @mgldn26.
Ipinagtanggol naman ang kongresista ng kanyang mga supporters.
“Ikaw ba naman may masipag na magulang. Bata pa lang si Arjo nag aartista na. Mayaman ang pamilya nila. Mayaman na sya bago pa man pumasok sa politics, di na katakataka yan,” kibit-balikat ni @rrnphiileen sa intriga.
“I dont know kung bakit galit sila sa 37 vehicles ni Arjo Atayde hahaha. Galing naman sa pag-aartista yan. Usually naman hindi ginagamit yan lahat. Eto madami magagalit sa akin dito. Bat si Daniel Padilla and Coco Martin na car lover at sports car pa ang hilig. Walang react?” punto ni @Mariatwitsta.
“Jesus, the replies, di ko pinagtatanggol si Arjo ha, pero yung 37 vehicles para sa disposal ng mga brgy sa D1 QC yan in fact laking tulong samin nung campaign ni leni, pinapahiram niya sa mga kabataan for house to house campaign and for rallies,” ayon kay @dipfruta.
“Di naman sa pinagtatanggol ko si Arjo pero sabi niya sa article ‘our vehicles’ so I don’t think he meant he has 37 vehicles just for himself. Di ba may negosyo siyang production company?” sabi ni @titanimarklee.
“I don’t think na personal vehicles nya yung mean nya rito. Arjo gave 1 L300 per barangay before the campaign season last year. District 1 has 37 barangays. So, baka iyong ang ipahihiram,” paliwanag naman ni @ptrckrcn.