Carlos Yulo nakaginto sa Gymnastics World Cup sa Qatar

PANIBAGONG tagumpay na naman ang dala sa bansa ng Pinoy gymnast na si Carlos Edriel Yulo matapoas makapag-uwi ng medalya, kabilang na ang isang ginto para sa floor exercise sa ginanap na second leg na 2023 International Gymnastics Federation (FIG) Artistic Gymnastics World Cup sa Qatar nitong Sabado.

Nakakuha ng 14.833 points ang 2019 world champion para tanghaling gold medalist sa nasabing palaro sa Doha City.

Tinalo ni Yulo si Kazuki Minami ng Japan na may iskor na 14.200 habang nasa ikatlong pwesto naman si Luke Whitehouse ng Great Britain na nakakuha ng iskor na 13.966.

Bukod sa ginto, nakakuha rin ng silver medal si Yulo para sa parallel bars at bronze naman sa vault event.