Adamson student na biktima ng hazing inilibing na

INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang Adamson University student na si John Matthew Salilig na sinasabing namatay dahil sa hazing, nitong Sabado sa Zamboanga City.

Si Salilig ay inilibing sa libingan ng kanyang lolo na kamakailan lang din na pumanaw.

Ibinahagi sa social media ni Zamboanga City Mayor John Dalipe, na dumalo rin sa libing, ang mga larawan na kuha habang inihahatid sa huling hantungan si Salilig.

“[We] vow to help the Salilig family get justice for slain son, John Matthew,” ayon naman kay Dalipe.

Natagpuan ang bangkay ni Salilig sa Imus, Cavite, ilang araw matapos itong maiulat na nawawala.

Ilang miyembro ng fraternity group na Tau Gamma Phi ang nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap sa kasong kriminal.