Anyar? Yen binura birthday post kay Paolo 

NANINIWALA ang ilang netizens na  nagkakalabuan na sina Yen Santos at Paolo Contis matapos burahin ng aktres ang birthday post niya noon para sa aktor.

Nag-trending ang pagbati ni Yen kay Paolo sa 40th birthday nito noong March, na nilakipan pa niya ng larawan nila na magkasama.

Hindi naman sigurado ang publiko kung naka-archive lang o tuluyan nang binura ng aktres ang naturang post mula sa kanyang Instagram account.

Sa kasalukuyan ay pawang mga litrato lang ni Yen ang makikita sa kanyang official IG page