DINAYO ng singer na si Angeline Quinto sa Pares Retiro sa Quezon City, ang paboritong paresan ng mga celebrities gaya ni Vice Ganda.
Sa Instagram story, ibinahagi ni Angge ang video ng pagbisita niya at ng asawang si Nonrev Daquina sa The Original Pares Mami House Retiro sa N.S. Amoranto st. sa La Loma.
Nagpakabusog ang mag-asawa sa pares at bulalo, dalawa sa mga putahe na binabalik-balikan din nina Vice, Tugue Zombie, mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morado, at Erwan Heussaff.
“Nice. Kain na,” ani Angeline.
“Sarap nito, tingnan mo o. Original na pares sa Retiro tapos lalagyan mo ng sabaw, tapos may chili na ganito o, grabe naman o. Yan o, ganyan o, tingnan mo,” dagdag niya.