NIYANIG ng magnitude 5.9 na lindol ang Agusan del Sur Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang pag-uga dalawang kilometro mula sa bayan ng Esperanza, alas 11:22 ng umaga.
Naitala ang Intensity II sa Kidapawan, Cotabato habang ang Intensity I ay naiulat naman sa Arakan at Kabacan sa Cotabato.
Instrumental Intensity IV ay nairekord naman sa Cagayan de Oro City, habang instrumental Intensity II sa Kidapawan, at Banisilan sa Cotabato.
Ayon sa Phivolcs, asahan na may mga aftershocks na magaganap at posible rin na magdulot ng pagkasira ang nasabing lindol.