NAHAHARAP sa kaso ang babaeng miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) sa Calauag, Quezon dahil sa pambubugbog sa anak niya na 8-anyos.
Nitong weekend, kasama ng bata na nagtungo sa himpilan ng pulis ang ama at lola para ireklamo ang ina.
Ayon sa paslit, na nakatira sa kampo ng Cafgu sa Bantolinao, Calauag na, sinaktan siya ng ina noong Mayo .
Aniya, siya ang pinagbubuntunan ng nanay tuwing makikipag-away ito sa kanyang tatay.
Noong mga unang beses na nakatikim ng pananakit ang paslit ay napagkasunduan sa barangay na ibigay ang pangangalaga sa bata sa lola nito.
Pero pagkaraan lang ng ilang buwan ay kinuha ng ina ang bata at mul itong sinaktan noong Mayo 1.
Sinabi ng pulisya na hindi na halos makapagsalita ang bata dahil sa trauma. Nagtamo ito ng mga sugat sa ulo, katawan at mukha.
Agad dinala ng mga taga-DSWD sa doktor ang bata para ipasuri ito.
Iniimbestigahan na rin ng Philippine Army ang ina ng paslit.