INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Education (DepEd) ang alegasyon ng sexual harassment laban sa anim na guro ng isang high school sa Bacoor, Cavite.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa,
hindi palalagpasin ng kagawaran ang nasabing”very disturbing news.”
“Upon inquiry, I was informed that the Schools Division Office (SDO) was made aware of these allegations of sexual harassment last week and that an investigation has already started and is currently underway,” ani Poa.
Bago ito, nag-viral ang tweet kung saan isiniwalat na ilang mag-aaral na nakaranas sila ng sexual haraasment mula sa kanilang mga guro.
Nakalakip sa tweet ang screenshots ng mga masasagwang mensahe ng mga guro sa mga estudyante.
Iniulat naman ni Poa na tinanggalan ng teaching assignment ang anim na guro habang iniimbestigahan pa ang isyu.