4 kelot sinalvage sa Davao

APAT na lalaki na biktima umano ng summary execution ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Davao de Oro nitong Lunes.

Sa ulat ng pulisya, unang nakita ang katawan ng isang Rey, 44, sa Pantukan. Tadtad ng tama ng bala ang katawan nito.

Sumunod naman na naispatan sa Maco ang mga bangkay ng isang Joseph, 40 at isang Aldrin, 37. Binaril din ang mga ito.

Huli namang natagpuan ang katawan ng isang hindi pa nakikalang biktima sa Pantukan na nasawi rin sa mga tama ng bala.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang nasa likod ng krimen.

Tikom din ang bibig ng mga otoridad sa motibo sa pagpatay.