2 Indian nationals na miyembro ng KTF na-deport

NA-DEPORT na ang dalawang Indian nationals na miyembro ng teroristang Khalistan Tiger Force (KTF) mahigit dalawang buwan matapos silang maaresto sa Iloilo, ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Kinilala ang mga suspek na sina Hayer Amriptal Singh, 24 at Amrikh Singh,23. Sinabi ni CICC Executive Director Alexander Ramos na tinangka pang tumakas ni Hayer Amritpal Singh, na nagdulot ng komposyon sa NAIA departure area. Naaresto ang dalawang miyembro ng KTF sa isang exclusive subdivision sa Iloilo City noong Marso 7.