HALOS umabot sa tatlong milyong Pilipino ang walang trabaho nitong nakaraang Hunyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa rekord ng PSA, naitala sa 6.0 porsiyento ang unemployment rate sa bansa noong Hunyo 2022 kung saan may kabuuang 2.99 milyong Pinoy ang walang trabaho.
Nangangahulugan ito na 60 sa bawat 1,000 na indibidwal na nasa labor force ang walang trabaho o negosyo.
Mas mataas din ang bilang ng walang trabahong Pinoy noong Hunyo 2022 kumpara sa 2.93 million noong Mayo 2022.
Mas mababa naman ang naitalang unemployment rate kumpara sa 7.7 porsiyento noong Hunyo 2021 o 3.77 milyon na walang trabaho.