2 hanggang 3 bagyo inaasahan ngayong Agosto

ASAHAN na ang dalawa hanggang tatlong bagyo ang papasok sa bansa ngayong Agosto, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa isang panayam sa DZMM, sinabi ni PAGASA weather forecaster Obet Pagdanganan patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA dulot ng Habagat.

Aniya, bagamat umalis na ang low pressure area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility (PAR), pinalakas naman nito ng Habagat sa Luzon.