100 Badjao sa kalsada inayudahan ng DSWD

AABOT sa 100 na nanlilimos na Badjao sa Metro Manila ang sinagip at binigyang ayuda ng Department of Social Welfare and Development nitong Biyernes.

Bukod sa mga food packs na ibinigay sa mga nanlilimos na Badjao, binigyan ng tig-P10,000 ang kada pamilya na maaari nilang gamitin para magsimula ng maliit na kabuhayan.

Kung dato-rati anya ay tanging pagkain, tiket sa barko ang ibinibigay sa kanila bago pauwiin, iba na anya ngayon.

Paliwanag ni Tulfo, hindi nareresolba ang problema dahil hindi sila binibigyang ng kabuhayan kung kayat bumabalik ang mga ito sa Metro Manila at muling nagpapalimos.