Lito Atienza, VP running mate ni Pacquiao

NABIGLA ang lahat ng mag-file ng kanyang certificate of candidacy bilang vice president at running mate ni Senador Manny Pacquiao si Buhay partylist Rep. Lito Atienza.

Ayon kay Pacquiao, nakita niya ang tagal sa pulitika at ang sinseridad at expertise ni Atienza bilang isang public servant at nararapat itong maging bise presidente.

“I picked Atienza because he has been serving the country for many years. I saw his sincerity, expertise and his willingness to help,” dagdag ni Pacquiao.

Bago ang kanyang pwesto ngayon sa Kamara, naging alkalde si Atienza ng Maynila mula noong 1998 hanggang 2007. Nagsilbi rin siyang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Arroyo mula 2007 hanggang 2009.

Nagpasalamat naman si Atienza sa kay Pacquiao sa tiwala nito.

“I believe that Manny Pacquaio is the only person who can change the lives of Filipinos. He can stir our lives the way he changed his life from rising above poverty,” pahayag ni Atienza.