Goodbye na nga ba? Duque pinayuhang magbitiw ni Bong Go

NAGSALITA na ang alter-ego ni Pangulong Duterte na si Senador Bong Go tungkol sa kung anong dapat gawin ng kontrobersyal na si Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Go, dapat gumawa si Duque ng “supreme sacrifice” alang-alang na lang sa bansa lalo pa’t nasa gitna ito ng matinding krisis dala ng coronavirus disease.

“Mahal ka ng Pangulo at ipinaglalaban ka niya, at alam kong mahal mo rin ang pangulo. Desisyon mo na ‘yan pagdating ng panahon but my advise is make the supreme sacrifice alang alang sa mga kababayan nating Pilipino,” pahayag ni Go sa isinagawang pagdinig ng Senado.

Kamakailan lang ay ipinagtanggol ni Duterte si Duque mula sa mga banat laban dito lalo pa’t naglabas ang Commission on Audit na nagpa-flag sa DOH dahil sa mga deficiencies nito kaugnay sa mahigit na P61 bilyon budget para sa Covid-response.

Payo ni Go kay Duque kailangang mag-sakripisyo ni Duque dahila pagod na rin umano ang pangulo dahil sa pasanin ng bansa.

“Naawa na rin ako kay Pangulong Dutete, pinapasan na po niya ang mundo at lahat ng problema,” sabi pa ni Go.