Dagdag na 2M doses ng Sinovac dumating na sa bansa

DUMATING ngayong gabi sa bansa ang karagdagang dalawang milyong doses ng Sinovac na bahagi ng binili ng pamahalaan.

Lumapag ang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) flight PR359 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sakay ang mga biniling bakuna.

Bukas, nakatakda namang dumating ang 578,000 doses ng AstraZeneca na binili ng pribadong sektor.

Inaasahan din dumating bukas ang 15,000 doses ng Sputnik V matapos unang mabalam dahilan para hindi maturukan ng ikalawang dose ng bakuna ang mga nakatakda sanang bakunahan nitong mga nakaraang araw.