Curfew hours sa NCR mula 8 p.m-4 a.m. simula Agosto 6


INIHAYAG ni Metropolitan Manila Development Authority na simula sa Agosto 6 ay alas-8 ng gabi hanggang alas-4 na ng umaga ang curfew hours sa Metro Manila.


“Well, nag-usap-usap na po ang mga alkalde. Napagbotohan po ito at unanimous po sila,” ani MMDA chairman Benhur Abalos.


Samantala, ipauubaya naman sa mga mayor kung magpapatupad ng liquor ban sa kanilang nasasakupan.


“May mga LGUs kasi na nagsasabi na wala silang liquor ban kamukha ng Makati, ng Taguig, Pasig at Las Piñas. At sa nakikita namin, ang Valenzuela, Mandaluyong, Parañaque, Pasay, Navotas, Pateros, Quezon City at San Juan may mga liquor ban,” dagdag ni Abalos. –WC