Miss U ginawang excuse para hindi makapagpasa ng modules

NAGULAT at natawa ang dating beauty queen na si MJ Lastimosa sa post ng isang estudyante na ginawang excuse ang Miss Universe finals sa Lunes para hindi magpasa ng modules.


“Hahaha ginawa nyo pang excuse si Ibyang (Rabiya Mateo) ha! Tapusin nyo muna yang modules nyo mga veklaaaa hahahaha,” chika ni MJ, ang 2014 Miss Universe Philipines.


Sa kanyang excuse letter, sinabi ng estudyante sa kanyang mga guro na kung maaari na sa ibang araw na siya mag-submit ng modules dahil susuportahan niya si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.


Advice naman ni MJ sa mag-aaral, tapusin muna ang mga modules bago manood ng Miss Universe.


“Template for excuse letter on Monday sisters. LOL JK lang! Finish it early and pass it mga vaklan twoah!” sey niya.


Nakatakdang ganapin ang Miss Universe 2020 finals sa Florida sa Lunes.