Putol na braso ginawang mic, magpinsan grinipuhan ng PWD

SINAKSAK ng person with disability ang magpinsan na ginawang microphone ang kanyang putol na braso habang nag-iinuman sila sa Mangaldan, Pangasinan.


Agad na nadakip si Jorge Frianeza, 54, residente ng Brgy. Anolid. Nahaharap siya sa reklamong frustrated homicide.


Ginagamot naman sa ospital sina Gerry Basa, 33 at Rodrigo Nisperos, 34, na kapwa nagtamo ng saksak sa tiyan.


Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang tatlo at nang malasing ay pinaglaruan nina Basa at Nisperos ang putol na braso ni Frianeza.


Nainsulto ang suspek, na noon ay lasing na rin, kaya bumunot ito ng patalim at sinaksak ang magpinsan.
Hindi naman umano nagsisisi ang suspek sa kanyang ginawa.