Rider kinaladkad ng van, nabuhay

SUGATAN ang rider na kinaladkad ng van na bumangga sa kanyang motorsiklo sa
Mandurriao, Iloilo City.


Bali ang paa ng biktimang si Aresto Velasco na nagtamo rin ng mga sugat sa ulo at katawan.


Inabot ng mahigit kalahating oras bago natanggal ang katawan ni Velasco sa ilalim ng van, ayon sa ulat.


Nagsalpukan ang motorsiklo ni Velasco at ang van sa Brgy. Airport Biyernes ng gabi.


Sa lakas ng impact, tumilapon ang katawan ng biktima at sumuot sa ilalim ng van bago nakaladkad nang ilang metro.


Samantala, sugatan din ang 11katao sa banggaan ng truck at bus sa Lambunao, Iloilo.


Nawalan umano ng preno ang truck kaya sumalpok sa kasalubong na bus sa Brgy. Poblacion Biyernes ng hapon.


Sugatan ang driver ng truck, na naipit sa driver’s seat, at 10 pasahero ng bus.