#StopAsianHate: Pinoy hospital worker pumalag sa bully

IKINUWENTO ni Philippine Consul General sa New York na si Elmer G. Cato na isang Pinoy ang pumalag matapos siyang pahiran ng dura ng isang babae habang nakasakay sa isang train sa New York.

“A woman picked on the wrong Asian on the N train as she spat on her hands and wiped her saliva on a young Filipino hospital worker seated next to her,” sabi ni Cato sa isang tweet.

Ilang insidente na ng hate crimes laban sa mga Asyano, kabilang na ang mga Pinoy, sa Estados Unidos.

“She then saw a few stars. Our kababayan comes from a family of boxing legends in the Philippines,” dagdag ni Cato.