NAKAPASOK na sa Philippine Area of Responsibility and Super Typhoon na Hinnamnor alas-5:30 ng hapon ngayong Huwebes, at tatawagin itong bagyong Henry.
Sinabayan ni “Henry” sa bansa ang ngayon ay aktibo pa ring tropical cyclone na si “Gardo”.
Namataan si “Henry” 870 kilometro ng timog-silangan ng extreme Northern Luzon at kumikilos pa hilagang-kanluran na may taglay na hangin na 195 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugsong 240 kph.
Samantala ang Tropical Depression na si Gardo ay namataan 1,080 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon alas-4 p.m ngayong araw. Kumikilos naman ito patimog sa bilis na 10 kilometers per hour na may hangin na 55 kph malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 70 kph.
Hindi naman inaasahan na magla-landfall bagamat magdudulot ng mga pag-ulan dahil sa southwest monsoon o habagat sa mga lalawigan ng Batanes, Zambales, Batangas, Mindoro, Northern Palawan at sa iba pang mga lugar sa norte at central Luzon.